Ipinag-utos na ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Nicolas Torre III ang malalimang imbestigasyon sa kaso ng panggagahasa sa University of the Philippines Campus, Quezon City.
Base sa ulat ng Anonas Police Station, ginahasa umano ng hindi kilalang lalake ang 5th year college student ng UP noong gabi ng Hulyo 1 sa baseball field.
Sa imbestigasyon ng pulisya, hindi kilala ng biktima ang nanghalay sa kanya.
Nagsagawa na ng ocular inspection at walkthrough sa crime scene ang pulisya para sa evaluation ng kaso.
Ayon sa QCPD, may limang CCTV footages sa lugar pero hindi pa ito nasuri kung nahagip ang suspect bago at pagkatapos gawin ang panghahalay.
Kasama na ring iniimbestigahan ang mga manggagawa sa construction site malapit sa lugar.| ulat ni Rey Ferrer