Mandaluyong LGU at Munisipalidad ng Lopez Jaena sa Misamis Occidental, lumagda sa sisterhood agreement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ang Lokal na Pamahalaan ng Mandaluyong City at Munisipalidad ng Lopez Jaena, Misamis Occidental sa isang sisterhood agreement.

Idinaos ang paglagda sa naturang kasunduan sa pagitan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Municipality of Lopez Jaena Mayor Andrea Cherry Pinky Gutierrez, ngayong araw.

Ayon sa Mandaluyong LGU, sa pamamagitan ng kasunduan ay malayang makakapagpalitan ng impormasyon, teknolohiya, kalakalan, programa, at kultura ang dalawang lokal na pamahalaan.

Ginanap ang paglalagda ng sisterhood agreement sa Mandaluyong City Hall na sinaksihan ng mga lokal na opisyal ng Mandaluyong City at ng Munisipalidad ng Lopez Jaena.

Ang Munisipalidad ng Lopez Jaena ay isa sa mga bayan sa probinsya ng Misamis Occidental na binubuo ng tatlong lungsod at 14 na bayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us