Patuloy na nakabantay ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa lagay ng panahon dulot ng Bagyong Egay.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, nakahanda na ang kanilang ang mga emergency equipment gayundin ang evacuation sites at food packs sa sandaling kailanganin.
Umiikot na rin ang kanilang mga tauhan katuwang ang Department of Engineering and Public Works sa buong lungsod upang tingnan at alisin kung may mga nakasagabal dahil sa bagyo.
Sa kasalukuyan, wala pang naiulat na mga pagbaha sa lungsod kaya’t wala pang pangangailangan sa ngayon para magkasa ng pre-emptive evacuation. | ulat ni Jaymark Dagala