Nakapag-evacuate na ang Marikina City LGU matapos umakyat na sa ikalawang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina river ngayong hapon.
As of 12:45 ng tanghali nasa 16 na pamilya na ang naitalang nailikas ng Marikina Rescue 161 dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga low lying barangays sa lungsod.
Sa barangay Nangka, umabot na sa siyam na pamilya o nasa 53 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers sa naturang barangay.
Habang pitong pamilya naman ang kasalukuyang nasa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina upang pansamantalang manuluyan.
Sa mga oras na ito ay nananatili sa 16 metersang lebel ng tubig sa Marikina river at patuloy ang malakas na current ng tubig mula sa kabundukan ng lalawigan ng Rizal. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio