Welcome sa Department of Finance ang mas mataas na ranking ng Pilipinas sa investor relations at debt transparency.
Ang magandang balita ay mula sa the 2023 lnvestor Relations and Debt Transparency Report ng lnstitute of lnternational Finance (llF) na inilabas nitong nakaraang June 2023.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ito ay resulta ng pinagsama-samang pagsisiskap ng maayos na relasyon ng mga mamumuhunan at economic team.
Aniya, naging madiskarte umano ang economic team sa pagsasagawa ng bilateral meetings at roadshows upang maka-engganyo ng mga investor.
Inihalimbawa ng kalihim ang Philippine Economic Briefing sa iba’t ibang mga bansa na siyang naging plataporma ng kumpiyansa ng investors sa “strong economic performance and favorable macroeconomics fundamentals” ng bansa.
Base sa report, ang Pilipinas ay pangatlo sa 41 bansa sa Investor Relations (IR) practices dahil nakapagtamo ito ng score na 47.8 out of 50, mas mataas ng 6.4 index points kumpara noong nakaraang taon kung saan pang-labingdalawa ang bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes