Ipatutupad ng Department of Health (DOH) ang mas maikling panahon ng gamutan para sa mga pasyenteng mayroong Tuberculosis (TB).
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na mula sa anim hanggang siyam na buwan, bababa na sa apat na buwan ang gamutan para sa mga may regular na TB; habang anim na buwan naman para sa may multiple drug resistant na kaso ng TB.
Ayon sa kalihim, ang Pilipinas ay pang-apat sa mga bansa sa buong mundo pagdating sa kaso ng tuberculosis.
“It’s something like a million. A million Filipinos actually have currently positive TB cases. I didn’t bring my figures, but we have the statistics for that and it’s a quite a large number for our population.” —Secretary Herbosa
Dahil dito, iba’t ibang intervention pa ang kanilang inilatag tulad ng pagpapatupad ng AI Diagnostics, kung saan computer na ang babasa kung mayroong TB o wala ang isang pasyente.
“We’ve also started to implement other things like artificial intelligence diagnosis with radiology. So these are things that can pick up the … through the X-ray, the computer already diagnoses the presence or absence of TB. So we’re improving our case detection and we are also improving our delivery.” —Secretary Herbosa
Paiigtingin rin ang serbisyong iniaalok ng pamahalaan, at palalakasin pa ang TB cases detection ng DOH. | ulat ni Racquel Bayan