Nakahanda na ang security plan ng Police Regional Office 6 (PRO6) para sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 24.
Ayon kay Police Regional Office 6 Spokesperson P/Major Mary Grace Borio, planstado na ang deployment ng kapulisan kung saan bawat police office sa Rehiyon ay mayroong Civil Disturbance Management (CDM) personnel na magbabantay.
Sa pagpapatupad ng seguridad, inabisuhan ng PRO6 ang kapulisan na ipatupad ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng kilos protesta.
Sa monitoring ng PRO6, ang mga cause oriented groups ay magsasagawa ng rally sa siyudad ng Iloilo at Bacolod, sa bayan ng Kalibo sa Aklan at sa probinsya ng Capiz.
Sa pagpapatupad ng maximum tolerance, nanawagan rin ang PRO6 sa mga magpoprotesta na gawin ito ng payapa para makaiwas sa gulo. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo