Inalis na ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang appointment system para sa lahat ng serbiyso para sa mga Filipino nationals, Taiwanese employers, investors, at mga turista.
Sa isang advisory, simula bukas August 1 ay hindi na kailangan na mag-set ng appointment ang mga mag-aavail ng kanilang serbisyo, kabilang na ang mga pupunta sa Migrant Workers Office, PAGIBIG, at Social Security System.
Ayon kay MECO Chairperson Silvestre Bello III, nais ng MECO na maging accessible ang kanilang serbisyo at mapagsilbihan ang publiko sa pinakamabuting paraan.
Gayunman, mananatili ang appointment system para sa passport renewal at notarial request.| ulat ni Gab Humilde Villegas