Mega Job Fair, isasagawa sa Lungsod ng Caloocan; mahigit 6,000 trabaho alok sa nasabing job fair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Caloocan ng ika-9 na Mega Job Fair sa Bulwagang Katipunan, Caloocan City Hall-South sa July 26.

Ayon sa Caloocan City Public Employment Service Office (PESO), nasa 6,400 ang bankanteng trabaho na maaaring applayan sa 73 kumpanya na lalahok sa job fair.

Tampok din sa nasabing job fair ang mga overseas career opportunity, pati na ang one-stop-shop para sa mga aplikante na may kailangang transaksyon sa Social Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa Caloocan City PESO, sa patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga pribadong kumpanya para magbigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Nanawagan naman si Caloocan City PESO Officer in Charge Violeta Gonzales sa mga interesadong aplikante, na pumunta sa mega job fair at samantalahin ang oportunidad na magkaroon ng hanap-buhay.

Aniya, bukas ito para sa lahat lalo na para sa mga unang beses pa lamang na mag-a-apply sa trabaho. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us