Meralco, magpapatupad ng bawas singil ngayong buwan ng Hulyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng bawas singil ang Manila Electric Company o Meralco para sa magiging bill ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Meralco Corporate Communications Head Joe Zaldarriaga, 0.7213 centavos kada kilowatt hour ang itatapyas sa singil sa kuryente kaya papalo na lamang sa 11.1899 ang overall rate sa bill ngayong buwan ng Hulyo.

Ibig sabihin kung ikaw ay kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay aabot sa 144 pesos ang matatapyas sa inyong bill ngayong Hulyo.

Dagdag pa ni Zaldarriaga, nagkaroon din ng pagbaba sa singil ng generation charge ngayong buwan na umabot sa mahigit 64 centavos sa kada kilowatt hour.

Kaugnay nito nananatiling suspendido hangang Agosto ang koleksyon ng feed-in tariff allowance kaya naman bumaba din ang singil sa taxes charge ng Meralco. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us