MERALCO, nagpadala na ng kanilang contingent para mapabilis ang pagbalik ng supply ng kuryente sa Ilocos Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala na ng kanilang contigent ang pamunuan ng Manila Electric Company o MERALCO para mapabilis ang pagbalik ng supply ng kuryente sa Ilocos Norte.

Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldiriaga na kabilang sa mga pinadalang equipment nito ay ang apat na pickup truck para sa pagsusuri ng laki ng pinsala; apat na basket truck para sa muling pagkakabit ng mga linya ng kuryente; at isang stake truck at dalawang crane para naman sa pagtatayo ng mga bagong poste.

Kaugnay nito na Patuloy na nakikipag-ugnayan ang MERALCO sa lokal na pamahalaan at iba pang electric cooperative para sa tulong na maaari pang maibigay nito. Nakahanda rin i-deploy ang 22 dagdag na engineer at linecrew ng MERALCO, dalawang basket truck, at tatlong stake truck sakaling kailanganin pa ng dagdag na tulong. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us