Metro Manila Council, hinikayat ang publiko na i-report sa barangay o city hall kung may makikitang tagas sa tubo ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Metro Manila Council (MMC) sa publiko na makiisa sa pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng El Niño sa bansa.

Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, mahalagang mai-report sa barangay o city hall kung may makikitang tagas sa tubo ng tubig o ilegal na koneksyon sa lugar.

Ito ay upang agad na maisaayos at maiwasan ang pagkasayang ng tubig.

Binigyang diin ni Zamora, na dapat magkaroon ng disiplina ang mga commercial establishment at government office, pati na sa mga tahanan na magtipid sa paggamit ng tubig.

Samanta, sinabi rin ng opisyal na pinagana ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang kaniya-kaniya nitong El Niño Task Force at bumuo na rin ng mga ordinansa para makatipid sa paggamit ng tubig. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us