Inaasahang magpapatuloy pa ang mga pag-ulan sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan sa mga susunod pang oras.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, asahan ang mahina hanggang katamtaman na may paminsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.
Mahina hanggang katamtamang ulan din ang pwedeng maranasan sa Zambales.
Ayon sa PAGASA, ito ay dulot pa rin ng umiiral na Low Pressure Area (LPA)
Dahil dito, patuloy na inaabisuhan ng Weather Bureau ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Offices na mahigpit na i-monitor ang lagay ng panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa