May 200 mag-aaral sa Malabon ang binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Ayon sa Malabon Local Goverment Unit, handa nang magbigay serbisyo sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ang mga benepisyaryo sa loob ng 20 na araw.
Isinagawa ngayong Lunes ang SPES Orientation para sa 1st batch ng mga benepisyaryo na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Malabon Public Employment Service Office (PESO).
Ayon sa LGU,malaking tulong ang programang ito upang mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan na makapagtrabaho at malinang ang kanilang mga kakayahan.| ulat ni Rey Ferrer