Pumalo na sa 99, 272 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ni bagyong Egay at Habagat.
Sa ulat ng Department of Agriculture, ang mga apektadong sektor ay mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Caraga Region.
Abot na sa 66, 075 metric tons ng agricultural products ang nasira at nalugi mula sa 110, 086 ektarya ng agricultural areas.
Kabilang sa mga apektadong commodities ang palay, mais, high value crops, livestock at poultry, at pangisdaan. Napinsala rin ang mga pasilidad ng agrikultura at mga kagamitan sa pangingisda.
Batay sa huling tala ng DA, umabot na sa P1.54 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura at pangisdaan. | ulat ni Rey Ferrer