Mga paaralang napinsala ng bagyong Egay, sisikaping maihanda bago magsimula ang muling pagbubukas ng klase sa Agosto — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maigayak ang mga paaralan na nagtamo ng pagkasira nitong nagdaang bagyong Egay.

Ito’y upang magamit sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Sinabi ng Pangulo na pagsisikapan ng pamahalaang maihanda ang mga paaralan para sa nalalabing Isang buwan bago ang opening of classes.

Ayon kay Pangulong Marcos, isinasagawa na ang imbentaryo sa mga pampublikong eskwelahang nagkaroon ng pinsala nitong nagdaang bagyo.

Mula dito aniya ay maglalabas sila ng listahan ng school buildings na pansamantalang hindi muna magagamit ng mga mag-aaral. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us