Mga pamilyang nagsilikas sa Lungsod ng Marikina, nagsiuwian na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsiuwian na ang mga residente na nagsilikas sa mga evacuation center sa Marikina City kahapon.

Batay sa pinakahuling datos ng Marikina City Rescue 161, dalawang pamilya o walong indibidwal na lamang ang nasa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

Habang nakauwi na ang mga nagsilikas sa Nangka Gym kaninang madaling araw.

Nasa 34 na pamilya o 192 na indibidwal ang kabuang bilang ng mga nagsilikas sa lungsod.

Kasunod ‘yan ng pagtaas ng alarm level sa Marikina River sa ikalawang alarma matapos na umabot sa 16 meters ang antas ng tubig sa ilog kahapon.

Ayon sa Marikina City Rescue, hindi naman binaha ang mga residente ngunit natakot lang din sa pagbugso-bugsong ulan at malakas na hangin.

Sinabi naman ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na malaking tulong ang dredging operations sa ilog dahilan para mapigilan ang mga pagbaha sa lungsod.

Nabatid kasi dati first alarm pa lang ay binabaha na ‘yung mababang lugar sa Marikina.

Samantala, inalis na rin ang alarma sa Marikina River at nasa 14.8 meters ang lebel ng tubig sa ngayon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us