Mga residenteng apektado ng konstruksyon ng North-South Commuter Railway, bibigyan ng pabahay ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng pamahalaan na mabibigyan ng maayos na pabahay at pangkabuhayan ang mga residenteng maaapektuhan ng kontsruksyon ng North-South Commuter Railway Extension Project sa San Fernando City, Pampanga.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, hindi lang pabahay pero may kasamang pangkabuhayan ang ibibigay ng pamahalaan sa mga residente at komunidad na maaapektuhan ng mga proyekto ng Department of Transportation (DOTr).

Nasa 50 pamilya mula sa pitong apektadong barangay sa San Fernando City ang nabigyan ng pabahay ng pamahalaan.

Kabilang ang 50 pamilya sa 1,138 na benepisyaryo sa lungsod at sila ay inilipat sa Phase 2 ng San Fernando View Residences sa Barangay Calulut.

Ayon sa DOTr, nakatakda ring buksan ngayong taon ang ikalawang relocation site na mayroong 200 housing units, at ang ikatlong site naman ay bubuksan sa 2024 na isang low-rise building at mayroong 400 housing units.

Oras na maging operational ang NSCR Project nasa 500,000 pasahero ang mase-serbisyuhan kada araw at magiging dalawang oras na lamang ang biyahe mula Calamba, Laguna patungong Clark, Pampanga. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us