Mga tatanggaping courtesy resignation ni PBBM mula sa hanay ng PNP, posibleng madagdagan pa – DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na walang kahaharaping legal na usapin ang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mga courtesy resignation mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni justice Sec. Jesus Crispin Remulla kasunod ng pagtanggap ni Pangulong Marcos Jr. sa courtesy resignation ng may labing walong opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Kasunod nito, naniniwala si Remulla na posibleng madagdagan pa ang mga tatanggaping courtesy resignation ng Pangulo.

Aniya, may mga opisyal ng PNP na sumuway sa kahilingan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na maghain ng courtesy resignation.

Magugunitang bumuo ng 5 man committee ang DILG na siyang sasala sa mga inihaing courtesy resignation ng mga Pulis bilang bahagi ng paglilinis sa hanay ng Pulisya partikular na iyong mga nasasangkot sa iligal na droga.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us