MIF bill, posibleng mapirmahan na ni Pangulong Marcos Jr. sa susunod na linggo – Senate President Migz Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ay matapos ang pagkakapirma ni House Speaker Martin Romualdez sa enrolled bill ng MIF.

Matapos mapirmahan ang MIF bill ay ihahanda naman na ng economic team at ng isang konseho ang Implementing Rules and Regulations (IRR), at ang mga taong mangangasiwa ng MIF.

Giit ni Zubiri, dapat ay best of the best ang pipiliin para mangasiwa ng MIF.

Ipinunto ng senador, na ang maitatalagang mangangasiwa ng naturang pondo ay dapat mayroong karanasan sa private banking at finance.

Mahigpit aniya ang criteria para dito, at inihalintulad ang proseso sa pagpili ng judges ng Judicial and Bar Council (JBC). | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us