Miyembro ng Maute Group, inaresto ng CIDG sa Lanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang miyembro ng Maute Group sa Barangay Lakadun, Masiu, Lanao del Sur.

Kinilala ni CIDG Director Police Major General Romeo Caramat Jr. ang suspek na si Acmad Casim, alyas Batang Criminal na nahaharap sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nakuha kay Acmad ang isang .45 cal. pistol, steel magazine, live ammunition at empty shells sa pagpapatupad ng search warrant.

Si Acmad ay may arrest warrant din dahil sa kasong murder.

Ayon kay Caramat, si Acmad ay kasama ng teroristang si Omar Maute na nakipaglaban sa pamahalaan sa panahon ng Marawi siege.

Dinala na sa CIDG Lanao del Sur Provincial Field Unit ang suspek para sa documentation at proper disposition.

Samantala, nakatakas ang dalawa pang subject ng search warrant na kinilalang sina Aminola Casim at Pandi Dimaocom Mama. | ulat ni Leo Sarne

📷: CIDG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us