MMDA, mayroong paglilinaw sa 71 unregistered vehicles nito na pinuna ng COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang 71 na mga sasakyan nito na na-flag ng Commission on Audit (COA) na hindi naka-rehistro ay hindi na ginagamit dahil ito ay hindi na rin kayang kumpunihin.

Ayon kay MMDA acting chairman Atty. Don Artes, ang naturang mga sasakyan na hindi naka-rehistro sa Land Transportation Office (LTO) ay nakahanda para sa disposal.

Paliwanag ni Artes, matagal ang disposal process at kasalukuyang dini-disassemble ang mga parte ng sasakyan para magamit sa iba pang sasakyan ng MMDA.

Binigyan-diin ng opisyal bahagi ito pagsusulong ng ahensya sa road worthiness sa mga sasakyan nito.

Regular din aniya ang pagsasagawa ng LTO caravan upang matiyak na nakarehistro ang kanilang mga sasakyan.

Dagdag pa ni Artes ang 216 na mga sasakyan na pinuna ng COA na naabot na ang pitong taon para sa government service vehicles ay maayos pa rin at nasa good running condition.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us