Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority ng mahigit 100,000 pasahero ang naserbisyuhan ng Pasig River Ferry Service sa unang anim na buwan ng 2023.
Kung saan may kabuuang 133, 585 ang kabuuang bilang at naitala naman ang pinakamalaking bilang ng pasahero sa buwan ng Mayo.
Mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 69, 899 na pasahero.
Ayon naman kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na ang naturang pagtaas ng bilang mga pasahero na tumatangkilik sa ferry service ng MMDA ay dahil sa abot-kayang pamasahe at mas mabilis na ‘mode of transportation’ na bumabagtas sa lungsod ng Pasig, Makati, Mandaluyong at Maynila.
Makakaasa naman ang publiko na mas pag-iibayuhin pa ng MMDA ang serbisyo ng ferry service upang mas marami pang ma-accommodate at mas maging komportable ang naturang ferry service. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio