MMDA, positibo ang nakuhang pananaw sa publiko sa pagkakaroon ng body cam ng MMDA Traffic Constables

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang nakuhang pananaw ng Metropolitan Manila Development Authority sa paglagay ng body cameras sa mga MMDA Traffic Constables na nakakalat sa Kalakhang Maynila.

Sa isinagawang stakeholders meeting katuwang ang Metro Manila Council, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na ito’y upang makuha nila ang bawat sentimyento at pananaw ng bawat sektor na gumagamit ng pampublikong kalsada.

Ayon naman kay Pasang Masda President Ka Obet Martin, suportado nila ang MMDA sa paglalagay ng body cameras para maging transparent sa bawat motorista ang panghuhuli ng mga ito sa oras na lumabag mga motorsita sa trapiko.

Kaugnay nito, nasa 120 body cameras ang ipapamahagi ng MMDA sa mga traffic constable na awtorisadong mag-ticket sa mga lalabag sa batas trapiko.

Dagdag pa ni Artes, mababawasan na ang pangingikil o pangongotong at korapsyon sa kanilang hanay.

Nagpapasalamat naman si Artes sa naging postibong tugon ng kanilang stakeholders. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

📷: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us