Naaresto ng Criminal Investigation and Detection group ang isang mataas na lider ng NPA na kabilang sa listahan ng National Most Wanted Persons sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa Brgy. Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.
Sa ulat ni CIDG Director Police Maj. General Romeo Caramat kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., kinilala ang akusado na si ROMEO CUDAL alias “Ramon Daniel Luis /Ka Mon/Ka Paoy/Ka Nick/Ka Rito/Ka Noni”, 66 na taong gulang.
Ayon kay Caramat, si Cudal ay nakalista sa target list ng CIDG bilang Top 4 sa Komiteng Probinsiya Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley at Top 10 sa Kilusang Larangang Guerilla – Quirino/ Nueva Viscaya, na nagsisilbing Finance Officer ng Central Front at Secretary ng SPP-GANI, Southern Front.
Si Cudal ay wanted sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention, at may P750,000 reward sa ilalim ng DND-DILG Joint Order.
Tiniyak naman ni Caramat na puspusan nilang isusulong ang kampanya laban sa mga wanted na indibidwal para masiguro na hindi makapaghahasik ng karahasan ang mga kriminal sa lipunan. | ulat ni Leo Sarne
📷: CIDG