Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umani ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa mula sa Department of Health (DOH) para sa pagsisikap sa nationwide vaccination drive ng ahensya.

Ayon sa DOH, malaki ang naging ambag ng Muntinlupa LGU sa pagkamit ng layunin ng Measles-Rubella at bivalent Oral Poliovirus Vaccine Supplemental Immunization Activity.

Pinasalamatan naman ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang health workers at mga magulang sa kanilang kooperasyon. Dagdag pa ng alkalde, may obligasyon ang mga magulang na protektahan ang mga bata mula sa mga nakamamatay na sakit sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Noong Mayo ay lumahok ang Muntinlupa sa Chikiting Ligtas campaign na layong bakunahan ang mga bata kontra polio mula 0 to 59 months old, at measles at rubella mula 9 hanggang 59 months.

Patuloy na hinihimok ni Biazon ang mga magulang na hindi pa napapabakunahan ang kanilang mga anak na pabakunahan ang mga ito upang magkaroon ng panlaban kontra sakit. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us