Binati ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat ang CIDG Pangasinan Provincial Field Unit sa pagkakaaresto ng isang National Most Wanted Person (MWP) at lider ng Criminal Gang sa Barangay Balacbac, Sto. Tomas Proper, Baguio City nitong Martes.
Kinilala ni Caramat ang akusado na si Ricardo Esposo Siador Jr. a.k.a. “Joker,” na may patong sa ulo na ₱160,000 sa listahan ng DILG National Most wanted.
Inaresto ang akusado makalipas ang ilang taong pagtatago, sa bisa ng mga arrest warrant sa dalawang kaso ng murder, frustrated murder, multiple murder, at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay Caramat, ang akusado ang lider ng “SIADOR Criminal Gang” na involved sa gun-for-hire activities sa mga probinsya ng Pangasinan at La Union.
Sinabi ni Caramat na ang pagkakahuli sa akusado ay bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng CIDG ng kampanya laban sa Private Armed Groups at Criminal Gangs na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. | ulat ni Leo Sarne