NCRPO, nakahanda na sa pagbabantay ng seguridad sa SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Lunes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng seguridad sa ikalawang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Brigadier General Jose Nartatez Jr., ito ay dahil sa mga ipinakita ng bawat police districts sa Metro Manila sa isinagawang Civil Dispersal Management Exercise, kaninang umaga.

Ipinakita ng bawat police districts ng NCR, maging ang Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO ay naka-antabay na rin sa magiging SONA ng Pangulo.

Dagdag pa ni Nartatez, na nakahanda na rin ang nasa 32,000 pulis sa naturang pagtitipon upang magbantay sa seguridad, at panatilihin ang kapayapaan ng mga magsasagawa ng mga kilos protesta.

Makakaasa naman ayon kay General Nartatez na papairalin nila ang maximum tolerance, bagay na ginawa ng police districts na lumahok sa naging exercise, kaninang umaga. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us