Ipinagmamalaki ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Ilocos Norte ang natanggap na parangal ni Ms. Reysheil Pascua bilang Most Inspiring MSME sa National MSME Summit 2023.
Ginanap ang naturang programa sa Manila Hotel ngayon araw bilang bahagi sa National MSME Month ngayong buwan.
Ayon sa DTI, isa si Ms. Pascua o kung tawaging “Coach Barbie” sa 20 mga nakatanggap ng parangal sa nasabing programa.
Sinabi ng DTI na nagtapos si Pascua sa Kapatid Mentor ME (KMME) Batch 2022, at ngayon ay President ng Sheil Ph Inc.
Ayon kay Ms. Maricor Racela, ng DTI Ilocos Norte, si Pascua ay may sariling Clothing Manufacturing Company at sa bayan ng Pasuquin ang kanyang Official Business address.
Malaki ang ambag ng mga MSMEs sa pagbangon ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oportunidad at pagpapaganda ng kumunidad.
Pinangunahan nila DTI Secretary Alfredo E. Pascual, Go Negosyo Founder Jose Ma. Concepcion III, Executive Secretary Lucas Bersamin, mga matataas na opisyal ng gobyerno, mga representative sa pribadong sektor at Business Chambers ng bansa ang naturang summit.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag