Pinangunahan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang Roundtable Meeting sa Aerospace Sector sa pagitan ng Pilipinas at The Netherlands.
Ang roundtable meeting ay nakatuon sa approach ng pagtataguyod ng Philippine aerospace industry.
Sa kanyang keynote message, binigyang diin ni Pascual na makabuluhan ang aerospace at aviation industry ng Pilipinas sa paghahangad nito na maibangon at mai-expand ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa nito, hindi lamang makakapagbigay ng employment opportunities ang pagpapaunlad ng aviation industry ng Pilipinas ngunit pinapadali rin nito ang knowledge transfer at technological development na makakatulong sa bansa upang makaposisyon bilang key player sa global market.
Sinabi rin ng kalihim na nakikita nito ang The Netherlands bilang gateway para sa mga airline companies sa Pilipinas upang makapag-expand ng kanilang operasyon sa Europa dahil sa record nito bilang isang major European hub.
Ayon pa kay Pascual, ang potential link sa pagitan ng dalawang bansa ay maaaring magpadali sa paglalakbay at turismo, pati na rin ang trade and investment sa pagitan ng dalawang bansa. | ulat ni Gab Humilde Villegas