Occ Mindoro Governor, magbibigay ng P100k pabuya sa makapagtuturo sa pumaslang kay Eden Joy Villacete

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pamumuno ni Governor Ed Gadiano ng P100K bilang pabuya sa makakapagturo sa walang habas na pumaslang kay Eden Joy Villacete, mag-aaral ng Occidental Mindoro State College-San Jose campus.

Sa kanyang social media post sinabi ng gobernador na mariin niyang kinukondena ang karahasang ito at ang kalunos-lunos na sinapit ni Eden Joy.

Kasabay nito ang panawagan sa sinumang may impormasyon hinggil sa krimen na ipagbigay-alam agad sa mga sumusunod na numero ng San Jose Municipal Police Sation:

SMART: 0998-967-4590/0939-923-2001
GLOBE: 0906-468-0249

Nagpaabot din ang punong-lalawigan ng lubos na pakikidalamhati sa mga pamilya’t kaibigan ni Eden Joy kasabay ng pagtiyak ng hustisya sa kanyang sinapit.| ulat ni Leonie Algire| RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us