Sa kabila ng masamang panahon ay nagpapatuloy itong opening ceremonies ng Palarong Pambansa 2023 dito sa Marikina Sports Center.
Sinimulan ang program ngayong hapon sa pamamagitan ng band exhibition, cheerdance, at field demonstration.
Nagkaroon din ng parade entrance ang mga learner-athlete mula sa 17 rehiyon suot ang kanilang mga costume at prop at sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at itinuloy ang parada.
Nasa 9,000 learner-athletes at coaches ang kalahok sa patimpalak ngayong taon kung saan nasa 34 na mga laro ang paglalabanan bukod pa rito yung mga Larong Pinoy.
Sa ngayon, unti-unti nang nagsisidatingan ang iba’t ibang alkalde at opisyal dito sa Marikina Sports Center at mamayang alas-5 ng hapon inaasahan ang pagdating ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pangunahan ang pormal na pagbubukas ng Palaro.
Mayroon din isinasagawang Banchetto and Trade Fair 2023 ang lungsod kung saan makakabili ka ng mga pagkain, delicacies, mga souvenir sa Palaro.
Tampok din ang shoe bazaar bilang ang Marikina City ang host at ang shoe capital ng bansa.| ulat ni Diane Lear