OWWA, may alok na laundry business sa mga OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

May alok na tulong pangkabuhayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) para makapagsimula ng sariling negosyo.

Tinawag itong OFW “Negosyong Laundromat – make money at home with your family,” katuwang ang CS Laundry System Philippines Corporation at Northstar Instruments.

Ayon sa OWWA, bahagi ito ng kanilang reintegration program para suportahan ang mga OFW partikular na iyong mga nawalan ng trabaho dulot ng iba’t ibang dahilan.

Ilan sa mga ibinibigay din bilang preparasyon sa programang ito ay ang libreng training sa OWWA gayundin sa mga eksperto ukol sa pagpapatakbo ng laundromat, loan assistance, mentoring gayundin ang business coaching at market linkages.

Pinapayuhan ang OFWs na interesadong magsimula ng sariling negosyo, na magrehistro lamang sa kanilang website o maaari ding bisitahin ang CS Laundry System Philippines Corp. sa kanilang Facebook Page. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us