Tuloy-tuloy na ang paghahatid ng family food packs sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 Regional Satellite Warehouses para sa mga pamilyang maaapektuhan ng Super Typhoon Egay.
Tugon ito ng DSWD sa panawagan ni Secretary Rex Gatchalian, na tumulong sa agarang paghahatid ng relief goods sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Batay sa ulat ng DSWD, pinakahuling nagpadala ng family food packs na aabot sa 1,000 ang DSWD Infanta Pangasinan Field Office 1; at 1,500 family food packs mula sa Alaminos City, Pangasinan Satellite Warehouses.
Hanggang kaninang hapon, nakapaghatid na ng augmentation support ang DSWD Central Office-National Resource and Logistics Management Bureau ng kabuuang 6,000 family food packs sa Regional and Satellite Warehouses sa Region 1. | ulat ni Rey Ferrer