Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang paghirang ng Pangulo kay Lt. General Roy Galido bilang ika-66 na Commanding General ng Philippine Army.
Sa isang statement na inilabas ni DND spokesperson Dir. Arsenio Andolong, nagpahayag ng kumpiyansa ang DND na sa pamumuno ni Lt. Gen. Galido ay maisusulong ng Philippine Army ang strategic path na inilatag ng Commder-in-chief sa gitna ng nagbabagong situasyong panseguridad.
Napatunayan ni Lt. Gen. Galido ang kanyang husay sa kanyang mahabang military career na kinatampukan ng kanyang pamumuno sa 6th Infantry (Kampilan) Division at Western Mindanao Command (Westmincom).
Ayon sa DND ang malawak na experyensya at kakayahan ni Lt. Gen. Galido ay nagresulta sa malalaking tagumpay ng kanyang command laban sa mga lawless elements Partikular sa Mindanao.
Si Lt. Gen. Galido ay miymebro ng Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990. | ulat ni Leo Sarne