Pagsama sa cybercrime bilang Index Crime dahil sa paglobo ng kaso, pag-aaralan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinokonsidera ng PNP na isama bilang Index Crime ang Cybercrime, kasunod ng mahigit 150 porsyentong pagtaas ng mga kaso sa unang bahagi ng taon kumpara sa nakalipas na taon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, bumuo na ang PNP ng technical working group (TWG) para pag-aralan ang naturang hakbang.

Sa kasalukuyan, walong focus crime ang itinuturing na Index Crime, o batayan ng sitwasyon ng krimen sa bansa.

Kabilang sa mga ito ang: theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery at homicide.

Samantala, binati naman ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis sa naitalang 10 porsyentong pagbaba ng index crime, kung saan 18, 660 kaso ang iniulat sa unang 6 na buwan ng taon, kumpara sa 20,765 sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon.

Ayon sa PNP Chief, ito ay patunay na epektibo ang mga ipinatupad na “crime prevention and suppression strategy” ng PNP, sa tulong ng aktibong kooperasyon ng mga publiko sa mga pulis. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us