Pagsusuot ng life jacket sa motorized bancas, gawing mandatory — isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Quezon City Representative Marvin Rillo na obligahin ang lahat ng pasahero na sasakay ng motorized bancas na magsuot ng life vest o life jacket.

Ang apela ng mambabatas ay kasunod ng paglubog ng MB Aya Express sa Laguna Lake habang papunta ng Talim Island kung saan hindi bababa sa 27 katao ang nasawi.

Aniya dapat ay manatiling nakasuot ang life vests sa kabuuan ng biyahe.

“Every traveler on a motorized boat should be wearing a life jacket at all times throughout the voyage as a precaution. This is a simple and practical measure that can help safeguard lives at sea, or in lakes and rivers,” saad ni Rillo.

Punto pa nito na kung ang mga motor bancas na nagsasagawa ng island-hopping tour ay inoobliga ang kanilang mga pasahero na magsuot ng life jacket ay dapat ding tumalima sa ganitong panuntunan ang mga maliliit o light watercraft na nagbibiyahe ng mga pasahero.

“If you visit beach resorts nowadays, and you hire a motorized boat for an island-hoping tour, they will require everybody onboard to put on a life jacket for protection. The same rule should be applied to all light watercraft carrying paying passengers,” dagdag ng mambabatas.

Naniniwala ang mambabatas na ang palagiang pagsusuot ng life vest ang pinaka-simple at praktikal na paraan para protektahan at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ng mga maliliit na sasakyang pantubig. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us