Pamahalaan, sinigurong mababayaran ang lahat ng Marawi compensation claims

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Marawi Compensation Board na magpapatuloy ang pagbabayad ng kompensasyon sa claimants bunsod ng Marawi Siege noong 2017, sakaling hindi agad na matapos ang proseso dito sa loob ng limang taong termino ng board.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni MCB Chair Maisara Latiph na sa ilalim ng batas, itinakda ang limang taon para sa pagbabayad ng lahat ng claims.

Matapos nito, ang kanilang tanggapan ay mawawala na rin.

Gayunpaman, nakasaad rin aniya sa batas na sakaling lumagpas ang limang taon ngunit mayroon pa ring mga claim ang patuloy na pinu-proseso, dito na papasok ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Para aniya sa totally damage na concrete repairs, posibleng nasa P18,000 per square meter ang matanggap ng claimants; habang P13,500 per square meters naman sa partially damage. Magkaiba aniya ang claimant para sa mga nasirang imprastruktura, mga nawalang personal na ari-arian, at maging ang kompensasyon para sa mga missing o mga nasawing indibiwal. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us