Nakatakdang muling isagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) MIMAROPA ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka sa Palawan bago matapos ang taon.
Sinabi ni DAR MIMAROPA Regional Director Atty. Marvin Bernal sa Radyo Pilipinas Palawan na mayroong 500 beneficiaries ang nakatakda sanang tumanggap ng CLOA nitong araw ng Biyernes, ika-7 sa buwan ng Hulyo 2023, ngunit mahigit 300 lamang ang dumating sa seremonya dahil sa ibat-ibang mga kadahilanan.
Ayon sa kanya, ang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na nakatanggap nitong araw lamang ng Biyernes ng mga titulo ng lupa ay pawang mga magsasaka mula sa mga bayan ng Aborlan at Roxas.
Sinabi ng opisyal na sa last quarter ng taon ay isasagawa ng ahensya pamamahagi ng CLOA para naman sa iba’t ibang bahagi pa ng probinsya.
Samantala, Palawan umano ngayon ang may pinaka maraming ARBs sa rehiyon dahil na rin umano sa puspusang pagtatrabaho ng DAR Palawan.| ulat ni RJ Sabuero| RP1 Palawan