Aktibo nang tumutugon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Cagayan Valley Regional Offices sa kahilingan ng mga local government unit para sa family food packs.
Sa ulat ng DSWD, simula kaninang umaga, puspusan na ang Field Office-2 personnel sa pamamahagi ng suplay na pagkain sa typhoon-affected residents sa mga bayan ng Alcala, Gonzaga, Sta. Teresita, Aparri at Sanchez Mira sa Cagayan province.
Aabot na rin hanggang sa Itbayat sa Batanes ang pamamahagi ng family food packs ng DSWD.
Samantala, 3,000 food packs naman ang nakarating na sa La Union warehouse sa Region 1 (Ilocos Region).
Ito ay nagmula sa DSWD-National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB). | ulat ni Rey Ferrer