Dumulog sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong hapon ang pamilya ng ilang sa New Bilibid Prisons.
Ang mga ito ay tumatayong testigo sa huling kasong kinahaharap ni dating Sen. Leila De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court na may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kina Gng. Martinez, Gng. Patio at Gng. Pipino, asawa ng ilang mga PDL sa Bilibid, inilipat umano ang kanilang mga kaanak mula sa NBP patungong Sablyan Penal Colony sa Occidental Mindoro nang walang abiso o pasabi sa kanila.
Kwento ng 3 Ginang, nangangamba sila sa kaligtasan ng kanilang mahal sa buhay lalo’t kasama rin ng mga ito ang High Profile Inmate na si Herbert Colango at 6 na iba pa.
Una nang napa-ulat ang mga insidente ng patayan sa loob ng NBP compound kung saan, may natagpuan pang kalansay ng isang PDL na matagal na ring pinaghahanap.
Pero ayon kay DOJ Spokesperson, ASec. Mico Clavano, walang mali sa ginawang paglilipat sa mga nabanggit na PDL subalit hindi muna siya nagbigay ng detalye hinggil dito dahil na rin sa usapin ng confidentiality.| ulat ni Jaymark Dagala