Panibagong balasahan sa PNP, muling ipatutupad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panibagong balasahan sa PNP, muling ipatutupad

Muling nagpatupad ng balasahan ang hanay ng Philippine National Police (PNP) epektibo ngayong araw.

Batay sa inilabas na kautusan ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, ililipat sa Office of the Chief PNP ang kasalukuyang Director ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na si P/BGen. Antonio Olaguera.

Papalit kay Olaguera si P/Col. Dionisio Bartolome Jr mula sa Criminal Investigation and Detection Group  (CIDG) bilang Acting Director ng PDEG.

Maliban sa mga nabanggit, itinalaga rin si P/BGen. Cose Abrenica bilang Acting Deputy Director ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).

Itinalaga naman si P/BGen. Robert Morico II bilang Acting Deputy Director for Intelligence habang tatayo naman bilang Acting Deputy Director for Research and Development si P/BGen. Flynn Dongbo.

Uupo naman bilang Acting Executive Officer ng Directorate for Investigation and Detective Management si P/Col. Noel Sandoval habang magsisilbing Acting Executive Officer ng Directorate for Intelligence si P/Col. Nestor Babagay.

Ang panibagong balasahan na ito ay pinagtibay ni P/MGen. Emmanuel Peralta na siyang The Chief of the Directorial Staff ng PNP. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us