Hiniling ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang Ease of Paying Taxes.
Ang naturang panukala ay pinagtibay na ng Kamara habang nakabinbin naman sa Senado.
Ayon kay Salceda oras na i-certify as urgent ang EOPT Bill ay maaari itong aprubahan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa isang araw lang.
Para sa House Tax chief, panahon nang i-modernisa ang tax system ng bansa lalo at kasama rin ito sa State of the Nation Address (SONA) priority measures ni PBBM.
Sa ilalim ng panukala, gagawing moderno ang tax administration at gagawing simple at madali ang proseso ng pagbabayad ng buwis ng maliliit na tax payers kasama ang small at medium enterprises.
Makatutulong din aniya ito para mahikayat at mapalakas ang OFW investments.
“We are a highly global people, and the EOPT will allow taxpayers abroad, especially OFWs, to update their tax records and even file for TINs anywhere. Many of them want to invest here, or settle land issues here, but they cannot, because they can’t do their taxes remotely. As a result, we’ve been missing out on potential OFW investments, all while we try to attract FDI and make foreign capital come easier. It’s time we put family first,” diin ni Salceda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes