Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang Senate Bill 1806 o ang panukalang Taxpayer’s Bill of Rights and Obligations Act.
Sa ilalim ng naturang panukalang batas, ang pamahalaan ay imamandatong magtayo ng Office of the National Taxpayer Advocate (ONTA) na layong protektahan ang mga taxpayer.
Magiging tungkulin ng ONTA ang itaguyod ang tax compliance at asistehan ang mga taxpayer.
Ang opisinang ito ay magiging independent at autonomous office na mapapasailalim ng Department of Justice (DOJ).
Ilan pa sa mga magiging tungkulin ng ONTA at ang asistehan ang publiko sa mga katanungan nila sa pagbabayad ng buwis; katawanin ang mga taxpater at tulungan sila sa mga tax cases, complaints at proceedings; magsagawa ang regular na information, education at communication programs; magrekomenda ng mga remedial administrative measures sa mga otoridad para mapagaan ang proseso ng pagbabayad ng buwis; i-monitor ang mga tax issuances; at magsagawa ng mga capacity training program at training para sa mga opisyal at empleyado ng ONTA.
Kabilang ang panukalang Taxpayers Bill of Rights sa 20 priority measures ng kongreso para sa taong ito.| ulat ni Nimfa Asuncion