Party-list solon, isusulong ang mas maayos na evacuation centers sa Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na isasaayos ang evacuation centers sa Bicol.

Aniya mahalaga na mabigyan ng kumportable at maayos na lugar ang mga indibidwal na lumikas mula sa kalamidad.

“I am determined to address the shortcomings of our current evacuation sites and uplift the living conditions of our fellow Bicolanos. Nobody should have to endure extreme discomfort when seeking refuge during calamities,” saad ni Co.

Kabilang sa plano ng mambabatas ay ang paglalagay ng air-conditioning at ventilation system sa mga evacuation site.

Titiyakin din nito na mayroong malapit o katabing health clinic ang evacuation centers upang mabilis lang maisailalim sa medical check-up ang mga lumikas kung kinakailangan.

Sa kasalukuyan, tinatrabaho ngayon ni Co ang paglalagay ng water supply system sa mga evacuation site sa Bicol. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us