Pasay LGU, magsasagawa ng Barangay Labor Desk Job Fair sa Sabado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Barangay Labor Desk Job Fair sa darating na Sabado, July 29 na gaganapin sa President Corazon Aquino National High School sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City.

Ang nasabing job fair ay magsisimula mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Aabot sa kabuuang 1,468 na mga bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga aplikante sa nasabing job fair na lalahukan ng pitong kumpanya.

Ayon sa Pasay Public Employment Service Office (PESO), ilan sa mga trabahong iniaalok sa nasabing job fair ay bagger, cashier, store clerk, receptionist, warehouse man, store supervisor, service crew, full-time barista, CAD operator, driver, electrician, gardener, tubero, mason, karpintero, at marami pang iba.

Nagpaalala rin ang Pasay LGU na huwag kakalimutang magdala ng maraming kopya ng resume,ballpen at magsuot ng angkop na kasuotan. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us