Pasig City LGU at ilang bike community organizations, may alok na libreng bike lesson

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mabigyan ng tamang edukasyon ang nais magbisikleta mula sa iba’t ibang bike riders’ community, nag-alok ang Pasig City Local Government ng bike lessons sa mga residente ng lungsod.

Ayon sa Pasig City Transport, layon ng libreng bike lessons na maging aral ang bikers sa pagbibiskleta sa iba’t ibang lansangan, di lamang sa Pasig City pati na rin sa buong Metro Manila.

Gaganapin ang naturang libreng bike lesson sa darating na Sabado, July 15 mula 7 AM hangang 11 AM, sa Barangay San Antonio.

Wala na itong early registration, kailangan lamang na magtungo sa nabangit na venue. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us