Pasig City LGU, naglabas ng traffic advisory sa pagsasagawa ng cycling event na ‘Padyak ng Pag-asa’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng traffic advisory ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig para sa isasagawang cycling event na ‘Padyak ng Pag-asa’ na gaganapin sa darating na Linggo, July 16.

Ayon sa Pasig City Traffic Parking Management Office, magkakaroon ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga kalsada: Caruncho Avenue, F. Manalo St., Market Ave., M.H. del Pilar St., Urbano Velasco Avenue, Sandoval Mercedes Ave., at C. Raymundo Avenue.

Kabilang din ang kalsada ng Bernado St., Dr. Sixto Antonio Avenue, A. Mabini St., P Burgos St., Lopez Jaena St., Kaunlaran Bridge, M. Conception St., Elisco Road Jimenez St., JB Miguel St., V Pozon St., E. Jacinto St. at R. Jaboson St.

Mag-uumpisa ang naturang aktibidad mula alas-5 ng madaling araw.

Samantala, abiso naman ng Pasig City LGU na mag-isip na ng alternatibong ruta upang makaiwas sa bigat ng daloy ng trapiko sa mga nabangit na lugar. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us