Pasig City Mega Trade at Coop Fair, isinagawa sa Ayala Malls The 30th

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig ng Mega Trade Fair at Mega Cooperative Fair ngayong araw, July 18 hanggang July 23 sa Ayala Malls The 30th.

Ito ay bahagi pa rin ng 450th Anniversary ng Lungsod ng Pasig.

Tampok sa naturang trade at cooperative fair ang iba’t ibang produkto ng 23 micro, small, medium enterprises (MSMEs), at siyam na kooperatiba mula sa lungsod.

Kabilang sa mga itinitindang produkto rito ang food delicacies gaya ng leche flan, cookies, kakanin, takoyaki, kape, damit, bag, herbal oil, at iba pa.

Ayon sa Pasig LGU, libre ang pwesto ng mga MSME at kooperatiba sa aktibidad na ito, na layong masuportahan ang mga lokal na MSME at kooperatiba sa lungsod.

Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na suportahan ang programa at magtungo sa first floor ng nasabing mall para sa Mega Cooperative Fair, at second floor naman ang Mega Trade Fair. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us