Patuloy na inobasyon sa public transportation system sa Pilipinas, para sa pagpapagaan ng buhay mg commuters, asahan pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagpapatuloy ng Marcos Jr. Administration ang pagsusulong ng mas marami pang proyekto at inobasyon sa public transporation, para sa pagpapaigting ng mobility at interconnectivity ng mga Pilipino.

“I assure you that this administration will continue to pursue more public transportation projects that will improve our people’s mobility and interconnectivity as well as to enhance the quality of each Filipino.” —Pangulong Marcos.

Sa inagurasyon ng 4th generation train set ng LRT-1, sa Pasay City, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahalagang papel ang ginagampanan ng infrastructure development at improvement ng railway system, sa socio at economic progress ng bansa.

Ito aniya ang dahilan, kung bakit ikinalulugod niyang masaksihan ang pagsasakaturapan ng mga proyektong layong pagaanin ang buhay ng mga Pilipino.

Ang 4th generation train set ay mayroong total capacity na 1, 388 passengers kada biyahe, mayroong enhanced air conditiong system, at pinag-igting na signaling system.

Mayroon rin itong modernong disenyo, na mayroong monitor na magpapakita ng temperatura, at PWD friendly ito, lalo’t mayroong special areas ang train set na ito, para sa wheel chair.

Kaugnay nito, umapela si Pangulong Marcos sa commuters ng kaayusan at kalinisan sa pagsakay sa mga transport system ng bansa, upang mas matagal na mapakinabangan ang mga ito.

“And I also ask our commuters to practice courtesy and basic etiquette when using public conveyances such as keeping trains clean as well as following the rules so that our transport systems can run in an efficient, effective, and orderly manner.” —Pangulong Marcos.

Ang kaganapan ngayong hapon (July 19) ay sumisimbulo sa kahandaan ng LRT – 1 para sa pagdadala ng moderno, episyente, at world class na rail way transport system sa bansa.

Bago ang ganap na commercial operations ng mga bagong henerasyon ng tren na ito, siiniguro ng pamunuan ng LRT -1 na sumailalim at pumasa sa serye ng security checks, inspections, at trial runs ang mga bagon na ito.

Partner ng DOTR sa proyektong ito ang Japan International Cooperation Agency (JICA), Light Rail Transit Authority, Light Rail Manila Corp. Mitsubishi Corp, Spanish Rolling Stock Manufacturer Construccioners y Auxilliar de Ferrocariles o CAF at CMX consortium.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us